Archive for the 'mother' Category

Aug 01 2008

Rosie’s roses

Published by AYEZA under , Family, flower, mama, mom, mother, nanay, plant

My mom likes to plant. Rain or shine except when its snowing you can see my mom at the backyard busy gardening. And just like her name, most of her plants are roses.

Comments Off

Jun 04 2008

mom in cebu

“My,” “Mi” or “Me.” It depends on who among the three of us is texting mom. I prefer “my” as shorthand for “mommy.” Mother-daughter bonding proved to be a somewhat effective. She stayed with me for a short time February of this year. Weeks before that, my boyfriend’s mom died of her cancer treatment complications. She was a breast cancer survivor for 10 years but another lump showed up somewhere

Comments Off

May 11 2008

On Mother’s Day

Published by AYEZA under , inay, mama, mom, mother, mothers day, nanay

The moment a child is born, the mother is also born. She never existed before. The woman existed, but the mother, never. A mother is something absolutely new. [...]

Comments Off

Jul 24 2007

The Seeeeekret


khangkhung23:
Isang batang mahilig kumain ng talong salad na may gata. Dating idol ang backstreet boys pero ngayon, dinedespise na niya.

Lisa Bargamento: Ang pinakamagandang at pinakamabait na nanay sa buong daigdig. Feeling young and alive kaya napapagkamalan minsan na girlfriend ni khangkhung23


heto ang telanovela nila na nagsimula sa simpleng konbersasyon.





Lisa Bargamento:
kuya, nagpadala na papa mo?

khangkhung23: wala pa po.


Lisa Bargamento: gani ... la man ako load, di ko matext. galit naman uncle abay pag gamitin ko ang fone.


khangkhung23: wag mo tawagan


Lisa Bargamento: binura mo pala ang skype dito?


khangkhung23: gi reformat baya ang pc kay dghan virus


Lisa Bargamento: pano naman to wala tayong pera


khangkhung23: merong darating


Lisa Bargamento: kelan?


Lisa Bargamento: nagtext pala siya?


khangkhung23: hindi


khangkhung23: i mean, 'the secret' ma..


Lisa Bargamento: may pera ka?


khangkhung23: ngerks.


Lisa Bargamento: penge beh *smiley here*


khangkhung23: konti lang talagaaa. pramis.


Lisa Bargamento: pano na to?


khangkhung23: positive thinking ma.


khangkhung23: hehe.


Lisa Bargamento: sige, lipat muna ako ... offline ko papa mo


khangkhung23: ok.


khangkhung23: love you ma.





abangan ang susunod na kabanata..

nota bene: nasa drafts pa kasi ang mga posts ko kaya eto na muna.

Comments Off

Jul 09 2007

Happy Birthday Mama

Kahapon, naging forty-four years old na si mama pero mukha pa rin siyang nasa kanyang thirty's. True. Paminsan pa nga eh napagkakamalan ng mga 'long-time-no-see' friends niya na kapatid niya ako. My gosh!

Gusto ko sana isingit dito yung about sa 'mid 40 crisis' pero pucha, 'di ko pa yun na gugoogle. Ang alam ko lang eh and mid-forty crisis eh yung krisis pag nasa edad 40 at pataas ka na. And huwag mo akong tawanan kasi alam ko na nagiging redundant ako.

Well, anyway, back to the original highlight of this post. Naging masaya naman ang birthday party ng aking beloved mother. Maraming pagkain. 'Di talaga mawawala ang sabaw sa tanghalian. Nagluto si auntie nang sabaw na ribs ng baboy. Ako sana magluluto nun kaya lang, inunahan na niya ako. May inihanda rin lechon manok na bili sa kanto na may post-marination na carbon monoxide from the automobiles. Meron din pancit lomi pero 'di ko feel kainin 'yon kahit tikman lang man with my taste buds. No way. 'Di ko talaga nahiligan ang pagkain pansit kahit na mga relatives niya.Si pansit guisado lang ang kilala kong relative niya kasi 'di ko nga sila gusto pero gusto ko yung distant relative nila na modern, si Instant Pancit Canton. May nagdala rin ng mga cakes: ang babae ko na kapatid na bumili pa ng tatlong kandila para ilagay sa ibabaw ng cake. Ang pagkakaalam ko, mama's turning 44 years old at hindi 3 years old. Ang bata bata pa ng kapatid ko para magkaroon siya ng memory lapse. Si tito ang dumala ng mamahalin cakes, dalawang red ribbon. Nahiya ata 'yung mumurahing cake kaya inilagay nalang sa ref at ang dalawang red ribbon ang dinisplay sa dining table.



Siyempre, 'di rin puwede na wala akong ikokontribute. Kaya with my isang-daang, naisipan ko'ng magprepare ng talong salod with gata (I know it sounds yucky, pero promise masarap siya even my little cousins who don't eat vegetables, eat my salad) Gusto ko sana ilagay dito ang secret recipe pero natatakot ako na baka nakawin at angkinin ang aking secret recipe. Kung puwede lang i copyright ang recipe ng mga pagkain, matagal ko nang ginawa iyon.


Nakahanda na ang mga pagkain pati na rin ang talong salad ko na iniligay ko talaga sa gitna ng pagkainan. Nag 'gather around' na kami sa hapag. Nagsimula na rin magdasal ang uncle ko na biyayaan ng grasya ang aking mama at ang pagkain habang kinukunan ko sila ng litrato. After magdasal, nagsimula na kaming kumanta ng birthday song para kay mama.

'Happy birthday to youu.. Happy birthday to youu..' Sabay kanta ng aking mga maliliit na pinsan.

'Di na ata nakaya ng uncle ko ang kanyang nagugutom na sikmura kaya ni remix niya ang birthday song at pina iklian niya ito.

'Happy birthday to you. May the Lord God bless you. Happy birthday. Blow the candles' madaling sabi ng uncle ko.

Kaya pagkatapos pag blow sa mga kandila, dali dali agad kumuha ng pagkain ang mga grown ups habang nasa second stanza palang sa birthday song ang aking mga maliliit na pinsan. Ang ilang oras na inihanda naming pagkain ay nag disappear in a matter of minutes. Buti nalang at binilisan ko ang pagkuha ng litrato sa kanila at agad agad na kumuha ng pagkain.

So overall, mama's birthday was a blast. Hehe. Masaya ako kasi naging masaya si mama noong araw na iyon kahit marami siyang iniisip na problema. Naalala ko tuloy ang mga sakripisyo na ginawa niya sa amin. Marami rin kami mga aral na natutunan sa kanya tulad nang pagsusuklay ng buhok. Mas magiging guapo raw ako pag marunong lang ako magsuklay ng buhok. Anyway, salamat sa lahat mama lisa. I love you po!


nota bene: first time ko na nasa filipino language ang blogpost ko. Pasensya sa mga wrong grammar.



Comments Off

  • Monthly

  • Pages

  • Meta